Chapter SIXTEEN

“K-kanina ka pa dyan?” Kill me. Kill me now.
“Kararating ko lang.” Sabay ngiti. Gosh. Kailangan mo ba talaga ako ngitian ng ganyang klaseng ngiti?

Ngiti na nakakaloko. Ngiti na nakakaguilty.

“Ahh... Uhm, natapunan kasi...”
“I did not even asked a thing.” Hindi man lang niya ako pinatapos. Although wala naman talaga akong dapat ipaliwanag, I still felt na may kailangan akong sabihin.

Nagkatinginan nalang kaming dalawa. I assume na nagpapalit na si Nathan sa likod ko. Sana iniisip ni Luis na kaya lang ako nakaharap sa kanya ngayon ay dahil hindi pa ako makatingin kay Nathan. Pero ang totoo, I am trying to read his mind.

Ano ba ang iniisip niya???

“Tara, Andi. Baka malapit na tayong magperform.”

Nakatingin pa rin kami ni Luis sa isa’t isa.

...

“Andi.” Sabay tapik ni Nathan sa balikat ko.
“Ha?”
“Sabi ko tara na. Okay ka lang ba?”
“Ha? ah.. eh.. oo. Tara.”
“Sige, Luis. Una na kami.”
“Go.”

Hindi ko maalis yung tingin ko kay Luis. Hanggang sa makatalikod ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Ano ba talaga ang iniisip niya?

Saktong paglabas namin, hinahanap na rin kami. Nawawala ang concentration ko. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko ngayon.

‘Iniisip ba niya na boyfriend ko si Nathan?’
‘E ano naman ngayon kung isipin niya na boyfriend ko si Nathan?’
‘Dapat ba ako mag-sorry sa kanya mamaya after ng concert?’
‘Dapat ko ba siya kausapan mamaya para i-clear na hindi kami ni Nathan?’

‘Dapat ba ako magpaliwanag?’

“Hey! Tayo na ang susunod. What’s on your mind? Kanina ka pa wala sa sarili ah.” Sabay hawak ni Nathan sa mukha ko.

Bigla kong inalis yung kamay niya. Nabigla lang talaga ako. I don’t know why. Baka kasi ayoko na naman ma mis-interpret ng iba yung  friendship namin ni Nathan.

Or maybe, I only care what Luis thinks about us right now.

“S-sorry.  Pagod lang siguro ako. Okay lang ako. Promise.”

Nagulat din si Nathan na tinanggal ko yung kamay niya.

“S-sorry din. Worried lang ako. Kanina lang kasi bago tayo kumuha ng shirt sa locker mo, okay ka pa.”
“Wala ‘to. Okay lang talaga ako.” Nginitian ko nalang siya. Smile of assurance na wala naman talagang problema.

“Andi! Nathan! Kayo na. Teka, nasan si Paolo?”

Si Paolo? Si Paolo! Hala nakalimutan ko! Tatlo nga pala kaming kakanta! Panic mode. Nagtanungan kami kung sino nakakita kay Paolo.

Sumigaw naman si Drew.

“Naku! Wala ba siyang sinabihan sa inyo? Nagmamadali umuwi kanina. Emergency daw. Akala ko may pinagbilinan siya sa inyo.”
“Hala! Paano na yan? Paano yung kanta namin?”

Nagpapanic na talaga ako. May kasama na rin sigurong pressure.

“Andi, tara na. Tayong dalawa nalang.”
“Huh?”
“Tara na. We know the song forwards and backwards. This won’t be hard.”

Tama. Kabisado na namin yung kanta. Kaya namin ‘to.

“Sige. Tara na.”

“Ladies and gentlemen, here is the gala presentation of the school choir! Accompanied by our live band, our very own Andi Delgado and Nathan Isidro of Musika!”

Umakyat na kami sa stage. Ang dami palang tao. Wala naman akong stage fright. Okay. Here we go!

Yea, yea
Dancin' in the dawn, middle of the night
Takin' your heart and holdin' it tight
Emotional touch, touchin' my skin
And asking you to do what you've been doin' all over again
Oh it's a beautiful thing, don't think I can keep it all in

I just gotta let you know what it is that won't let me go
It's your love
It just does something to me
It sends a shock right through me
I can't get enough
And if you wonder
About the spell I'm under
Oh it's your love

Paglingon ko sa audience, nakita ko si Luis. Nasa harapan as in nasa harap lang siya ng stage.

‘Luis, nakakawala ka ng concentration. Seryoso.’

Better than I was, more than I am
And all of this happened by taking your hand
And who I am now is who I wanted to be
And now that we're together,
I'm stronger than ever
I'm happy and free

Oh it's a beautiful thing,
Don't think I can keep it all in

Then suddenly, this weird feeling occurred habang nakatingin ako kay Luis na halos nasa harap ko lang. Nawala yung connection namin ni Nathan. Feeling ko siya na yung kasama kong kumakanta.

If you asked me why I've changed,
All I gotta do is say your sweet name
It's your love
It just does something to me
It sends a shock right through me
I can't get enough
And if you wonder
About the spell I'm under
Oh, it's your love
Oh Baby, Oh oh, oh,
Oh it's a beautiful thing,
Don't think I can keep it all in
I just gotta let you know what it is that won't let me go

It's your love
It just does something to me
It sends a shock right through me

I can't get enough
And if you wonder
About the spell I'm under,
Oh it's your love
It's your love, it's your love, it's your love

Weird, weird feeling... but it felt like real.

Pinalakpakan kami ng audience. Salamat naman at nagustuhan nila yung kinanta namin. Although ngayon lang namin yun kinanta ni Nathan sa public, matagal na namin inaaral yung kanta. Wala lang. Pareho lang namin nagustuhan kaya sinubukan namin aralin. Thank goodness it paid off.

Nagtuloy-tuloy yung concert. Okay naman ang lahat. Kasama ko lang dito si Nathan. Paikot-ikot lang kami dito sa open grounds tapos lumalapit lang kami sa stage once in a while to check kung okay pa ba ang lahat.

Hindi ako makatingin kay Nathan habang magkasama kami. Nakakaguilty. Siya yung kasama ko na kumakanta tapos ibang tao yung nasa isip ko kanina. Sana hindi niya nahalata. Sana.

Patapos na yung concert. Huling magpeperform ang Dance Troupe. Niyaya naman ako ni Nathan sa may harap. Ayoko sana sumama pero nahihiya naman akong tumanggi.

“To end our successful concert tonight, let’s have the gala presentation of Phoenix Dance Troupe!”

As expected, maraming nag cheer. Maraming tumiling kababaihan. Marami naman kasing guwapong members ang dance troupe e.

Naka cap silang lahat. Simple pants and shirts lang ang suot nila pero hanep sa accessories. They are one of the few groups na simple lang pumorma pero may dating.

And there goes the cheer for no other than Luis Miguel Castro as he captivated everyone with his moves sa solo part niya sa sayaw nila. Err, bakit ba siya ang kailangan mag solo? 

Okay. That was a given. E sa marami talaga siyang fans dito e. What could I do?

Hanggang pagbaba nila sa stage, may mga sumisigaw pa rin. Meron pa nga kaming narinig na “LUIS! WILL YOU MARRY ME???” Ito namang si Luis, sumagot ng pasigaw din. “SIGE! BUKAS!” Nagtawanan nalang kami. Not the Luis that we know na tahimik, parang may sariling mundo, mukhang masungit. Ngayon, nakangiti siya, nakikipagtawanan sa mga kasama, nakikipagkuwentuhan sa mga kaklase.  So not him. Napaisip tuloy ako kung okay lang ba siya o facade lang niya itong kinikilos niya ngayon. And to think na nawala siya ng ilang araw, ano kaya ang nangyari sa kanya? Well, kung ano man ang dahilan, mas gusto ko yung Luis ngayon.

I didn’t even notice na kanina ko pa pala siya iniisip. Haiii... Ano ba naman ito, Andi???

DJ na yung nasa stage. Gumagala nalang yung mga estudyante dito sa grounds. Yung iba, kumakain. Yung iba, namimili. Yung iba, nagkukuwentuhan lang. Yung iba, umuwi na.

Hindi ko na pala kasama si Nathan. Kailangan na kasi niyang umuwi. Hinahanap na siya sa bahay nila. Nag-offer siya na ihatid na ako pero sabi ko dito muna ako. Papalit-palit ako ng kasama. Kanina kasama ko yung student council. Syempre masaya kami kasi maganda yung kinalabasan ng event. Pununtahan ko rin yung choir kanina. Kinamusta ko si Paolo, okay na daw sabi nila. Mabuti naman.

Bumili na muna ako ng maiinom at naghanap ng mauupuan. Napayuko ako pagkaupo na pagkaupo ko sa bleachers. Nakakapagod din. Paikot-ikot. Kung saan saan pumupunta. Kung anu-ano ang inaasikaso.

Pagharap ko ulit...

“Eh? Ano ka ba naman??? Kabuti ka na naman e!”
“Aba kasalanan ko bang magugulatin ka?” Yeah, right.
“Bakit ba naman kasi hindi ka nagsasalita diyan? Ninja mode?”
“Eh sa kararating ko lang e. Alangan namang nasa malayo palang ako tinatawag na kita. ‘HOY!!! LALAPIT AKO HA!!! ‘WAG KANG MAGUGULAT HA!!’ Ganun ba dapat?”
“Oo na. At talagang ‘hoy’ ang itatawag mo sa akin, ah? I have my name you know.” Naku... kung ‘di ka lang talaga guwapo.

 EH??? Erase. Erase the thought.

Umupo siya sa tabi ko. Naku, Luis Miguel Castro! Awkward moment na naman ito. Can’t you act normal? Can’t you act natural?

Hindi siya nagsasalita. Hindi ako nagsasalita. Umiinom ako ng iced tea. Nakatingin lang siya sa paligid. Pero katabi ko pa rin siya. Ubos na yung iced tea. Kunwari umiinom pa rin ako.

Lord, help me.

Tumingin siya sa akin. Hindi pa rin siya nagsasalita.

“W-what now?”
“Gusto mo pa ng iced tea? Sasakit tiyan mo dyan sa kakahigop ng hangin.” Sinasabi niya yun habang nakangiti siya. Kailang ba talagang nakangiti ka?
“Excuse me. Kakaubos lang nito, no!” Palusot.
“Sabi mo e.”

Topic. Topic. Arggh! I hate this kind of moments!

“Tatlong araw kang absent, ah. Okay ka lang?”
“Bilang na bilang mo, ah.”

Hala.. Ah.. eh...

“I just went out of town to see someone. I haven’t seen her in years so ayun, nag-stay muna ako dun.”
“Ahh...” her. “Well, she must be special. You’ve changed.”
“I’ve changed? Sa tingin ko rin. I am feeling a lot better than ever.”
“That’s good. At least we won’t be dealing with the bad boy Luis anymore.”
“Shut up. I was never the bad guy.”
“Haha! Feeling ka. You were ALWAYS the bad guy.”
“And Nathan’s the nice one? Right.”
“What? Wala akong sinabing ganyan ha!”
“But that’s what you’re thinking about me. Always the pain in the neck.”

What the...

“Hey! Hindi yun ang ibig kong sabihin. By the bad guy I mean...”
“I know. I was just messing with you.”

Arggh! LUIS MIGUEL CASTRO!!!

Tapos nag-ring yung phone niya.

“Excuse me. I have to take this.”
“Sure.”

Bumaba siya sa bleachers. Nasa pinakataas kasi kami. Hindi naman siya masyadong lumayo pero wala na akong naririnig sa sinasabi niya.

Naisip ko naman bigla pagkababa niya dito sa bleachers...

‘May kabutihan din naman pala siyang taglay. At infairness, guwapo.’

Ano ba naman yan??? Kinikilabutan ako sa mga iniisip ko!

“Hey! I have to go. Tara, hatid na kita.” Sumesenyas siya sa akin kasi nasa baba pa rin siya ng bleachers.
“Ha? Hindi na. Okay lang.”
“May dala akong sasakyan. Kung uuwi ka na, along the way ka naman.”
“May lisensya ka?” Andi! Can’t you ask something else? Siyempre meron yan!
“Hahaha! Ofcourse! I won’t drive without one. Tara na.”
“S-sige na nga.”

Inayos ko na yung gamit ko na bigla ko nalang pinatong dito sa tabi ko kanina dahil sa sobrang pagod. Pinasok ko na sa bag lahat. Tapos tinapon ko na yung yung cup ng iced tea na kanina ko pa hawak.

Tumalikod na si Luis. Kinukuha na yata niya yung car keys sa bag niya.

‘And guwapo din pala niya kapag nakatalikod’

“Aaaahhhhhhhh! Aray!”

Nahulog ako sa bleachers. Oh my gosh! Of all places. Of all people na puwede kong maging kasama. BAKIT NGAYON PA??? BAKIT SI LUIS PA???

May isang level pa pala ng bleacher. Napapala ng hindi tumitungin sa nilalakaran.

As expected, narinig ni Luis yung sigaw ko at tumakbo naman siya pabalik. I am actually in a position na hindi ko kakayain bumangon mag-isa. Yung paa ko kasi... nag-shoot dun sa butas sa bleachers. Awkward, awkward position. Bad trip na bleachers ito!

Paglapit ni Luis sa akin...

“Ano’ng nangyari sayo?” And he’s saying that while smiling tapos nakataas yung isang paa sa unang level ng bleachers kung saan ako nalaglag.

Hindi na ko makareact sa kanya. Ang sakit na kasi ng katawan ko. Napapapikit nalang ako. Ngingiti-ngiti ka pa dyan. Makakaganti din ako sayo.

“Take my hand.”

So I took his hand. Like I still have other choice.

“I told you I was never the bad guy.”

At binuhat niya ako sa likuran niya across the open grounds hanggang sa sasakyan niya.